Wednesday, April 4, 2012

Kwento ni Kapitan Hook: Pagong at Kuneho Part 3

Sa ngayon pantay na sila. Ang malupit niyan, naghamon ng huli pang beses si Pagong para daw malaman kung sino ba talaga sa kanila ang mas mabilis. Siyempre pumayag si Kuneho dahil alam na niya ang diskarte.

Kuneho: Sige, pero dapat may hurdle sa kalagitnaan ng karera para naman may challenge.

Ngayon pa lamang ay nag-iisip na si Pagong kung papaano makatatalon sa mabantayog na hurdle. Aapplyan kaya niya ng twister jump na sumisigaw ng "cowabunga!"?

Pagong: Sige, pumapayag ako ngunit dapat ang finish line ay nasa kabilang dako ng ilog at kailangan nating tawirin ito. Okay ba iyon sa iyo Kuneho?

Pa-twist twist ka pa Kuneho ha, ayan palalanguyin ka ngayon. Dahil alam naman nilang pareho ang kakayahan ng bawat isa na ang kalakasan ng isa ay siya namang kahinaan ng isa, bisebersa, ay minabuti nilang magkaroon ng kasunduan.

Pagong: Ilulan mo ako sa iyong likod kapag tumalon ka sa hurdle.

Kuneho: O sige. ngunit ako din, kung tatawid tayo sa ilog, ipasan mo ako sa likod mo.

Karera pa ba ito. May na-iimagine tuloy ako sa part na ito. Kung ano man iyon, bahala ka na mag-isip pero nakakatuwa talaga iniisip ko. haha

Ngunit sa wakas, ito na, patapos na ang kwento, nakatalon na sila ng hurdle(muntik muntikan pa ngang mapatid si Kuneho dahil sa bigat ni Pagong, ngunit nakayanan nilang dalawa ito); nagawa nilang makatawid ng ilog(paspas pala si Pagong kapag nakasampang na sa tubig.) at nakalagpas na sila ng finish line. Sino ang nanalo? Sa ganitong paraan, sabay nilang natapos ang finish line.

Sabi, kanya kanya man ng kahinaan at kalakasan. Tagumpay ay makakamit kapag magtutulungan. ;)


bersyon ni jJ Bly
April 4 2012, Gabi


2 comments:

  1. ang kulit mo magkuwento. in fairness, it's pleasant to the eyes while I was reading. Kaizen!

    ReplyDelete
  2. thank you. it was intentional ribs. :)

    ReplyDelete