Nag-aya pala itong si Kuneho ng isa pang ikot, tutal naman nanalo si Pagong noong una. Tinanggap ni Pagong ang hamon at sa pagkakataong ito, hindi na nagpabaya itong si Kuneho. Walang inaksayang oras si Kuneho. Hala takbo, takbo ng sobrang bilis, pawang tumataas na ang lahat ng buhangin sa bawat madaan nito. Hindi na siya nagpahinga. At tulad ng inaasahan, nag-wagi na din sa wakas si Kuneho paris ng aking inasaahan noong una kong narinig ang istoryang ito. At nasaan na nga ba si Pagong? Ayun, hingal na hingal noong maabutan si Kuneho na nagpapahinga naman sa ilalim ng puno ng saging na nasa tabi lamang ng isang ilog.
Tiyak nga naman na ang talento, galing, kasanayan, ang siyang magdadala sa iyo sa tagumpay. Ito talaga ang mga bagay na mahahalaga...
But wait, there is m0re sabi ni Kapitan Hook, hindi pa daw dun nagtatapos ang kuwento. Abangan...
bersyon ni jJ Bly
April 4 2012, Hapon
No comments:
Post a Comment