Alam nyo ba na? Ay mali... Let me rephrase, alam niyo ba ang istorya ni Pagong at ni Kuneho? Sino ba naman ang hindi nakaaalam sa istorya nila? Naalala ko pa noong una kong narinig ito mula sa aking Nanay. Malakas ang ulan noon at malamang, walang pasok. Haaay, ambilis talaga ng panahon.
Gayon pa man, alam naman natin kung sino ang nag-kamit ng karangalan bilang pinakamabilis sa pagkarera ay si Pagong dahilan din ito sa paniniguro ni Kuneho. Tama! Ikumpara mo nga naman sa mga maliliksing hita ni Kuneho ang kay Pagong. At dala dala pa nito ang kanyang bahay. Malamang sa malamang siguradong magwawagi nga sana itong si Pagong, este si Kuneho.
At nagsimula na nga ang karera.
One....
Two....
Three...
Go!
Alam ni Kuneho na mabagal talaga itong si Pagong kaya naman imbes na humarurot sa pagtakbo, ay naglakad lang ito. Tagaktak sa pawis ang dalawa kaya naman naisipan nitong si Kuneho na magpahinga muna. Nang makakita ito ng isang punong mangga sa gitna ng nagliliyab na katanghalian,
Kuneho: Hehehe magpapahinga muna ako dine(at ala eh Batangenyo pala itong si Kuneho? hehe joke ), tiyak naman matagal pa itong si Pagong. at kahit na malagpasan niya ako ay maaabutan ko pa din sya.
At nasobrahan nga ata sa bitamina C itong si Kuneho, at ayun nagwagi nga si Pagong dahil nakatulog itong si Kuneho sa saglit na pamamahinga.
Sabi, huwag daw manghamak ng kakayanan ng isang tao maliit man ito o malaki. Hindi man ito nakikita sa panlabas na anyo. Huwag ding sobra sobra ang pagkakaroon ng katapatang-loob sa sarili. Hindi ka dadalhin niyan saan man.
Hindi pa pala natatapos dun ang lahat lahat! aba! may sekwel pa, ayon kay Kapitan Hook na kaibigan ni Tink.
bersyon ni jJ Bly
April 4, 2012, Madaling araw
Dahil inaantok na ako. Ipopost ko ang katuloy mamaya ha. :)
No comments:
Post a Comment